Marcos inaprubahan hanggang April 30 ang PUV consolidation
MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang pagpapalawig sa public utility vehicles (PUVs) consolidation hanggang Abril 30 ng taong kasalukuyan.
Sa pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, inaprubahan ni Pangulong Marcos ang rekomendasyon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.
Base sa rekomendasyon ni Bautista, pinalawig pa ng hanggang tatlong buwan o hanggang April 30, 2024 ang consolidation ng public utility vehicles.
Sinabi ni Garafil na ang pagpapalawig ay para magbigay oportunidad sa mga nagnanais na makasali sa consolidation at maghayag ng kanilang intensyon na sumali sa modernization program ng gobyerno na hindi nakasali sa nagdaang cut off na Disyembre 31, 2023.
Magugunita na tinutulan ng transport group ang consolidation ng prangkisa dahil hindi raw nila kayang bumili ng mga modernong jeep.
- Latest