Mag-asawang Pinoy, dedo sa aksidente sa US
MANILA, Philippines — Patay ang isang mag-asawang Pinoy matapos salpukin ang kanilang sasakyan ng isang pickup truck sa Michigan sa Estados Unidos.
Kinilala ang mga nasawi na sina Ryan Amboriso at misis na si Jen Ambrosio, pawang Filipino-American.
Natukoy naman ng Michigan authorities ang driver ng truck na si Angel Melendez-Ortiz, 35 taong gulang na kasalukuyang ginagamot sa ospital at nahaharap sa kasong multiple charges kabilang ang second degree murder.
Lumalabas sa ulat na sinalubong ng suspek ang direksyon ng sasakyan ng mag- asawang Ambrosio na noon ay pauwi na sa kanilang bahay mula sa isang dinner date.
Ang pickup truck umano ng suspek ay tumatakbo ng walang ilaw at may bilis na 100kph bago banggain ang SUV na sinasakyan ng mag-asawa.
Dahil sa lakas ng impact, wasak na wasak ang SUV na nagresulta sa agarang pagkamatay ng mag-asawa.
Naiwan ng mag-asawa ang anim na anak na may mga edad na 2 hanggang 9 na taong gulang kaya naglunsad ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan ng GoFundMe campaign para suportahan ang mga bata.
- Latest