Batangas Vice Mayor natagpuang patay
MANILA, Philippines — Natagpuang patay ang vice mayor ng San Jose, Batangas sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Lalayat, nitong Lunes ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si San Jose, Batangas Vice mayor Noel Virtucio, 50.
Sa ulat, alas-12:30 ng hapon nang matagpuan ang biktima ng kanyang misis na si Reggie na walang malay sa loob ng kanilang kuwarto.
Agad na dinala ang biktima sa Batangas Health Care Specialist sa Barangay Balagtas, Batangas, subalit idineklarang dead on arrival ni Dr. Jennifer Degorio.
Sa inisyal na finding na ang dahilan ng pagkamatay ng biktima ay cardio pulmonary attack o natural death.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari.
- Latest















