Mag-asawa, gutay sa sumabog na granada
MANILA, Philippines — Isang mag-asawa ang nasawi matapos masabugan ng granada sa loob ng kanilang bahay sa Purok 7, Brgy. District III, Gamu, Isabela City, kamakalawa ng umaga.
Ang mag-asawang nasawi ay kinilalang ssina Charles, 40, magsasaka at Criselda Medrano, 43, guro, kapwa residente sa nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat, isang sibilyan ang tumawag sa himpilan ng pulisya matapos makarinig nang isang malakas na pagsabog sa loob ng bahay ng mag-asawang Medrano, alas- 8:30 ng umaga.
Agad na rumesponde ang mga operatiba ng Gamu-PNP at naabutan ang mag-asawa na kapwa patay, na halos magka-gutay-gutay ang mga katawan sa loob ng kanilang kuwarto.
Teorya ng pulisya, na hawak ng lalaki ang isang granada sa pag-aaway nila ng kanyang misis at posibleng natanggal ang safety pin na dahilan ng pasabog ng granada.
Napag-alaman din na ilang beses umanong naghaharap sa barangay at istasyon ng pulisya ang mag-asawa dahil sa sumbong ng babae na siya ay sinasaktan ng kanyang mister na una na ring inaresto ng pananakit noong Marso 2021.
- Latest