MILF inendorso si Robredo
MANILA, Philippines — Malaking bahagi ng Mindanao ang makikinabang kung si Robredo ang mahahalal na susunod na Pangulo ng bansa.
Ganito sinuri ni House Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman at tinawag niyang “great impact” ng hindi inaasahang pag-indorso ng MILF sa isang kandidato sa pagka-pangulo.
Isang boto para sa kapayapaan at progreso sa Mindanao ang ginawang makasaysayang desisyon ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), sa pamamagitan ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP), na suportahan ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa May 9, 2022 national election.
Sinabi ni Hataman, ang suporta ng MILF kay Robredo ay magkakaroon ng “domino effect” sa lokal na kampanya sa Mindanao para sa pagka-bise presidente at presidente dahil sa impluwensya ng organisasyon hindi lamang sa BARMM kung hindi sa buong isla.
Ibinunyag din ni Hataman na ang pagmamalupit sa mga Moro sa panahon ng Martial Law ay may malaking ambag sa suporta ng MILF, ang kasiguraduhan ng kapayapaan sa Mindanao sa ilalim ng pamumuno ni Robredo ang malaking dahilan ng desisyon.
“Ang suporta nila kay VP Leni ay may diin sa pagtingin sa kinabukasan kaysa sa paglingon sa nakaraan,” ayon sa kongresista. “Yes, what happened in the past is a contributory factor kasi malupit naman talaga ginawa – towns burned, mosques pillaged at napakaraming masaker ng mga Moro,” ang sabi pa ni Hataman.
- Latest