Robredo, bumaba ang net satisfaction rating
MANILA, Philippines — Bumaba ang net satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo, ayon sa huling survey ng Social Weather Station (SWS).
Sa isinagawang 4th quarter survey ng SWS ng 2021, lumalabas na bumaba ng 23 puntos ang satisfaction rating ni Robredo.
Isinagawa ang survey mula Disyembre 12 hanggang 16, 2021 kung saan tinanong ang nasa 1,400 respondents.
Mula sa “good” rating na +24 noong September 2021, ang net satisfaction rating ni Robredo ay naging sa “neutral” na +1 (41 percent satisfied minus 40 percent dissatisfied kasama ang kanyang performance).
Naunang inilabas ang initial finding sa annual SWS Survey Review noong Pebrero 7, 2022 samantang ang full survey results o kabuuan ay inilabas kamakalawa, Marso 11, 2022.
- Latest