NCR moderate risk na lang sa COVID-19

MANILA, Philippines — Sinabi kahapon ng OCTA Research na nasa moderate risk na lang ng COVID-19 ang National Capital Region (NCR) matapos na bumaba pa ang reproduction number ng sakit mula sa 0.84 sa 0.81 na lang.
“Reproduction number 0.81 and ADAR below 25 means NCR now at moderate risk based on covidactnow,” pagbabahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David.
Tumutukoy ang ADAR sa dami ng mga indibidwal na nagpositibo sa COVID test sa bawat 100,000 populasyon.
Pagdating naman sa 7-day average ng new cases ng COVID sa NCR, bumaba rin ito ng 28% na nasa 3,120 na lamang.
Kasabay nito ay nakapagtala rin ng pagbaba sa positivity rate ang OCTA na ngayon ay nasa 16% na lamang. - Angie Dela Cruz
- Latest















