^

Police Metro

Pagpatay kay Keith Absalon planado ng CPP-NPA

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinarget talagang patayin ng CPP-NPA-NDF si Keith Absalon dahil sa pagiging sikat nitong atleta at pagsusulong nito ng sports para sa mga kabataan na umano’y kontra sa adbokasiya ng rebeldeng grupo.

Ito ang kinumpirma ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Vice Chairman at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. dahil ang ginawang pagpatay kay Keith  ay pamamagitan ng anti-personnel mines.

Nais naman ng mga terrorist group na mapalakas pa ang kanilang puwersa sa pamamagitan ng recruitment lalo na sa kabataan  kasunod ng  sunud-sunod na pagsuko ng  kanilang mga miyembro sa Masbate.

Umapela naman sa publiko ang ina Kieth na si  Vilma Absalon na makiisa at magsama-samang wakasan ang mga pang-aabuso ng CPP-NPA-NDF at  panahon na anyang matigil ang hindi makataong hangarin ng CPP-NPA-NDF lalo na sa mga kabataan.

 Inilahad din niya ang kanyang suporta sa “Nationwide Bike for Peace and Justice for the Absalons” na gagawin sa Sabado (17 July 2021), ang ika-40 araw ng pagkamatay ng kanyang anak at ang pinsan si Nolven sa mga kamay ng teroristang-komunistang CPP-NPA-NDF.

vuukle comment

CPP-NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with