8 Chinese na kidnaper naaresto
Kinilala ni Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNPCIDG) director M/Gen. Joel Co­ronel ang mga suspek na sina Qun Deng aka Xiao Pei; Kang Jia Wei aka Nan Lu; Gui Chen, Shu Liu Tao; Denz Zi Yi;Feng Quing Xin; Huang Xiang Bin at Nicanor Pantis aka Noki.
File

8 Chinese na kidnaper naaresto

Doris Franche (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

Bihag pinatay,1 nasagip…

MANILA, Philippines — Walong Chinese national na miyembro ng Qun Deng-Xiaopei-Nanlu Chinese kidnap for ransom group ang naaresto  sa operasyon sa Southwoods, Brgy. San Vicente, Rosario Complex, San Pedro, Laguna.

Kinilala ni Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNPCIDG) director M/Gen. Joel Co­ronel ang mga suspek na sina Qun Deng aka Xiao Pei; Kang Jia Wei aka Nan Lu; Gui Chen, Shu Liu Tao; Denz Zi Yi;Feng Quing Xin; Huang Xiang Bin at Nicanor Pantis aka Noki.

Ayon kay Coronel, nag-ugat ang kanilang operasyon nang magsumbong ang manager ng Smartwin Technology  Inc sa CIDG kaugnay sa pagkidnap sa dalawa nilang empleyado na kinilalang sina Lyu Long at Liu Xue Xue noong Disyembre 23, 2020.

Nasa 1 million RMB ang ransom demand na hinihingi ng mga suspek kapalit sa paglaya ng dalawang biktima at nang magbayad ng 403,000 RMB ransom hindi pa rin pinalaya ang mga biktima at sa halip ay pinatay si Lyu Long at itinapon ang katawan nito sa may bahagi ng Talisay, Batangas.

Agad namang rumes­ponde ang CIDG sa pakikipagtulungan sa PNP-AKG at nakipag-ugnayan din sa manager ng kompanya at pinayuhan na kumbinsihin ang mga kidnaper na babayaran sila sa Philippine currency imbes ng RMB.

Nagkasundo ang ma­nager at ang mga kidnaper na magkita sa may Barangay San Francisco, Biñan, Laguna kung saan dumating si Qun Den at Pintes sakay ng kotse na kung saan naaresto ang una habang nakatakas ang huli.

Nasundan ng mga otoridad si Pintes sa kung saan itinatago si Liu Xue Xue sa may Silcres Subdivision sa San Pedro, Laguna at matagumpay itong nasagip.

Nabatid na sina Qun Den at Kang Jia Wei ay pawang lider ng nasabing Chinese kidnap for ransom group na ang target ay mga POGO workers.

KIDNAPPERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with