âBack-ridingâ sa mag-asawa ok na
Simula ngayong araw ay pinapayagan na ng pamahalaan ang ‘back-riding’ sa mag-asawa, magkasintahan kung sila ay nakatira sa iisang bahay.
Boy Santos
‘Back-riding’ sa mag-asawa ok na
Mer Layson, Malou Escudero (Pang-masa) - July 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Malacanang na mag-asawa lamang ang maaaring payagan na magkaangkas sa motorsiklo nga­yong araw.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nang pormal na aaprubahan ng National Task Force for COVID-19 ang back riding na dapat ay may shield na unang ipinanukala ni Bohol Gov. Arthur Yap.

“Puwede na po ang back riding para sa mga mag-asawa. May shield na katulad ng prototype na pinanukala  ni Bohol Governor Arthur Yap,” ani Roque.

Kailangan din aniya ay tumutupad sa minimum health standards katulad ng pagsusuot ng face mask at helmet at sumusunod sa speed limits.

Nilinaw din ni Roque na para lamang sa pribado ang back riding at hindi sa Angkas na ginagamit bilang pampublikong transportasyon dahil nawala na rin ang prangkisa nito.

Dapat din aniyang magpakita ng identification cards at zerox ng marriage contract ang magkaangkas na mag-asawa.

Ang pahayag ni Roque ay taliwas naman sa sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año sa isang pa­nayam sa radyo na maaa­ring payagan na magka-angkas ang “common-law husband and wife” at boyfriend o girlfriend na nakatira sa iisang bahay basta’t makakapagpakita ng IDs na iisa ang address.

Katulad ng sinabi ni Roque, sinabi ni Año na dapat gayahin ang prototype model na isinumite ni Yap.

Matatandaan na kabilang sa ipinagbawal ng Inter-Agency Task Force Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Di­seases, simula nang ipatupad ang quarantine ang pag-angkas sa motorsiklo dahil mahirap masunod ang social distancing.

BACKRIDING HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with