‘Rapid Pass System’ inilunsad para sa ecq exemption
Malou Escudero (Pang-masa) - April 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inilunsad kahapon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang “Rapid Pass System” upang mapabilis ang biyahe at maiwasan ang kontak sa pagitan ng mga indibiduwal na exempted sa enhanced community quarantine (ECQ) at mga personnel sa checkpoints.

Ito ang inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles at matitiyak ang social distancing dahil hindi na kaila­ngang magpakita ng ID at mga dokumento ng mga exempted na indibiduwal kabilang ang mga health workers.

“Ito pong rapid pass system ay kinonceptualize po namin sa IATF para mapabilis ang sistema ng pag-check ng ating mga sasakyan at mabawasan ang person-to-person contact sa mga frontliners na gumagawa ng kritikal na serbisyo sa ating mga checkpoint officers,” dagdag ni Nograles.

Sa rapid pass system, ang mga frontliners na dadaan sa mga checkpoints ay gagamit ng QR code scanners na nasa kanilang mga smartphones at i-scan ang unique QR codes na ibibigay sa mga authorized individuals o sasakyan.

Ang mga frontliners o mga otorisadong indibiduwal ay maaaring mag-request ng QR code sa website na rapid-pass.ph para ma-download sa kanilang desktop o isang mobile device. 

“Kapag approved na po ito, a unique and secure QR code and control number will be granted to each authorized person para magamit niya ito. Puwede pong i-print ang QR code at ipaskil sa sasakyan o puwedeng ipakita sa inyong smartphone. Sa mga walang smartphone or printer, ipakita lamang ang inyong control number sa ating mga nagtatao ng checkpoint kasama ang inyong valid ID,” ani Nograles.

Pinasalamatan ni Nograles ang Department of Science and Technology (DOST) na nagpahintulot para sa paggawa ng rapid pass sa tulong ng non-profit organization na Developers Connect Inc. o DevCon.

Related video:

RAPID PASS SYSTEM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with