Walang shortage sa food supply
MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Valenzuela City 1st District Rep. Wes Gatchalian, chairman ng House Committee on Trade and Industry na walang shortage sa supply ng pagkain sa gitna na rin ng idinulot na problema sa transportasyon kaugnay ng ipinatutupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon partikular na sa Metro Manila dulot ng matinding banta ng COVID 19.
Ginawa ni Gatchalian ang paniniguro matapos na sumingaw ang umano’y pribadong dokumento na liham ng Philippine Associations of Meat Processors INc. (PAMPI) na dumaing ng problema sa transportasyon ay hirap ang kanilang mga manggagawa gayundin ang mga raw materials para makagawa ng mga canned at processed na produkto.
Nag-iikot si Trade Secretary Ramon Lopez na nanawagan sa mga LGUs na huwag harangin ang mga cargo supplies dahilan may random inspeksyon na sa mga checkpoints. Maging ang Philippine Association of Flour Millers (PAFMIL) ay tiniyak rin na sapat ang supply ng harina para ideliber sa mga bakery at manufacturers sa buong Luzon.
- Latest