Sa ulat ng MPD-PIO, dakong alas-3:00 ng hapon ng dakpin si Yasay sa kanyang bahay sa Unit 4905 Milano Residences, Century City Road, Barangay Poblacion, Makati City.
Philstar.com, File
Ex-DFA chief Yasay inaresto
Ludy Bermudo (Pang-masa) - August 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Manila RTC Branch 10 si dating Security Exchange Commission Chairman at Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay sa kanyang bahay sa Makati City, kahapon ng hapon.

Sa ulat ng MPD-PIO, dakong alas-3:00 ng hapon ng dakpin si Yasay sa kanyang bahay sa Unit 4905 Milano Residences, Century City Road, Barangay Poblacion, Makati City.

Sa record ng kaso, si Yasay kasama ang 5 iba pa ay nagsabwatan umano upang makapangutang ng P350,000,000 sa Banco Filipino para sa Tierrasud Incorporated na ginagarantiyahan ng real properties na pag-aari ng Tropical Land Corporation.

Nang makuha na ang salaping inutang ay hindi inireport ng mga akusado ang naturang utang na naganap noong 2001 hanggang 2009.

Mariing itinanggi ni Yasay ang alegasyon at nanindigan na hindi siya magpipiyansa dahil kailangang kuwestiyunin niya ang maling pagsasangkot sa kanya sa kaso.

PERFECTO YASAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with