Natulog sa kalsada, nalasog
Jorge Hallare (Pang-masa) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay habang ginagamot sa Bicol Medical Center ang isang 50-anyos na lalaki matapos itong masagasaan habang natutulog sa tabi ng kalsada ng Brgy. Balagbag, Milaor, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Marcelino Gares Jr., ng Zone-3 ng nasabing barangay. Habang sumuko naman ang rider na si Ruter Vera, 48.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 ng gabi ay bigla na lang nahiga at nakatulog sa tabi ng madilim na kalsada ang biktima at nang dumaan ang motorsiklo ni Vera ay hindi nya ito napansin kayat nasagasaan ito.

Hinala ng pulisya na posibleng lasing ang biktima at hindi na nito ka­yang maglakad pa kaya’t natulog na lang sa tabi ng kalsada.

BICOL MEDICAL CENTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with