Si Mayor Baldo nang isugod sa ospital
Mayor Baldo isinugod sa ospital
Jorge Hallare, Joy Cantos (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

Inatake ng hika sa selda...

MANILA, Philippines — Ilang oras pa lang nakukulong matapos arestuhin sa illegal possession of firerarms si Daraga Mayor Carlwyn Baldo ay isinugod ito sa pagamutan matapos itong atakehin ng kanyang asthma habang nakapiit sa makipot na selda ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region V sa lalawigan ng Albay kamakalawa ng gabi.

Kinumpirma kahapon ni PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Amador Corpus, bandang alas -11:00 ng gabi nang isugod sa UST Hospital sa Legazpi City, Albay si Mayor Baldo matapos atakehin ng asthma sanhi umano ng katol na pinausok sa kulungan nito na malamok.

Nakaranas ng hyper ventilation at tumaas din ang blood pressure matapos na arestuhin at ikulong.

Si Baldo, ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rodel Batocabe at security escort nitong si SPO2 Orlando Diaz noong Disyembre 22, 2018 sa covered court ng Brgy. Burgos, Daraga , Albay.

Magugunita na noong Martes ng hapon ay sina­lakay ng mga otoridad ang bahay ni Baldo na nakumpiskahan ng mga armas at bala gayundin ng kulay puting Isuzu Alterra SUV (BCW-941 ) na umano’y siyang ginamit na get away vehicle ng mga armadong suspek sa pagpatay sa solon.

Inihayag pa ni Corpus na bantay sarado na ngayon ng mga operatiba ng pulisya sa pagamutan si Baldo.

Samantala, narekober ng pulisya kahapon ang isa pang baril na ginamit sa pagpatay kay Batocabe sa Ligao City na karagdagang ebidensiya laban kay Baldo.

Ang Taurus PT24/7 PRO 45 caliber pistol na may serial number NEY 89334 kasama ang magazine na may 10 rounds ng bala ay narekober sa isang fishpond sa Purok 3, Brgy. Busay ng lungsod dakong alas-12:35 ng tanghali.

Ang nasabing baril ay nakuha matapos na ikanta ng suspek na si Christopher Naval alyas Tuping na itinapon sa fishpond kung saan sinisid pa ito bago narekober.

CARLWYN BALDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with