^

Police Metro

Pagtaas ng multa sa mga violator na motorista sa Lunes na

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Epektibo na sa Enero 7 ang mataas na multa sa mga motorista na lalabag sa illegal parking, traffic obstruction at iba pang paglabag sa batas trapiko.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) EDSA Traffic Czar Bong Nebrija,  nasa P1,000.00 hanggang P2,000.00 ang  multa sa mga motoristang lu­malabag sa mga batas trapiko tulad ng illegal parking.

Ang P1,000.00 multa ay para sa  attended illegal parking,  na dati  ay nasa P200.00, samantalang sa unattended illegal  parking  ay magiging P2,000.00, na mula sa dating P500.

P1,000 din ang multa sa mga lumabag sa traffic obstruction at igno­ring traffic signs na da­ting P150.000.

Ang lumabag naman sa yellow lane sa EDSA,  ay P1,000.00 rin ang multa na dating  P500 para sa pribadong behikulo at P300.00 para naman sa pampublikong behikulo.

Ang pagtataas ng multa sa bawat traffic violation ay bunsod ng resolution na  inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng MMDA  noong Dis­yembre 7 at nai-published ito noong Disyembre 12 noong nakalipas na taon.

vuukle comment

ILLEGAL PARKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with