Barangay peacekeeper itinumba
Rhoderick ­Beñez (Pang-masa) - December 27, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagbabaril sa harap ng kanyang bahay ang isang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team ng hindi pa kilalang gunman, kamakalawa ng gabi sa Purok Pag-asa, Sitio Tiocao, Barangay Linao, Matalam, North Cotabato.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Ronie Samson Esquerida, 48, may-asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, pasado alas-10:00 ng gabi ay nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang bahay nang sumulpot ang gunmen at walang kaabog-abog na ito ay pinagbabaril na agad nitong ikinasawi.

Isa sa anggulong sinisilip ng pulisya ay personal na alitan dahil sa posibleng may nagalit dito sa pagpapatupad ng kanyang tungkulin.

RONIE SAMSON ESQUERIDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with