^

Police Metro

Quezon City fire: 3 patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlong katao kabilang ang isang limang taong gulang na batang lalaki makaraang makulong sa nasusunog na commercial/residential area kahapon sa Quezon City.

 

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Arcenia Amongo, 80;  Jose Ilalim, 42 at ang 5-anyos na batang si John Daniel Arciaga na pawang magkakamag-anak.

Sa ulat ng Quezon City Fire Marshal, bandang alas- 3:00 ng madaling araw nang tupukin ng apoy ang tatlong kabahayan mula sa isang tindahan  at   katabi nitong mga establisyemento sa kahabaan ng Damong Maliit Road, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches.

Sa imbestigasyon ay bigla na lamang tinupok ng apoy ang isang tindahan  na mabilis na kumalat sa katabi nitong 7 establisyemento at tatlong kalapit na bahay sa nasabing lugar.

Kinailangan naman ang  13 fire truck para maapula ang sunog na tumupok sa nasabing mga kabahayan, establisyemento at  isang tindahan.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with