6 todas sa drug bust
Nabatid na si Bestre bukod sa pagiging notor­yus na tulak ng droga ay umano’y miyembro rin ng Fajardo kidnap for ransom gang.
File
6 todas sa drug bust
Christian Ryan Sta. Ana, Joy Cantos (Pang-masa) - November 29, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang anim na pinaghihinalaang mga drug pusher sa magkahiwalay na drug buy bust operation sa lalawigan ng Laguna at Nueva Ecija.

Sa Laguna, ang mga napatay na suspek ay kinilalang sina alyas Brix na umano ay courier ng bigtime drug lord na si Vitto Cruz na bagamat nakade­tine sa Bicutan City Jail ay patuloy ang operasyon ng kanyang illegal drugs sa tulong ng kanyang mga galamay; Ade Abellada at Arjay Galvan na napatay dakong ala-1:30 ng mada­ling araw sa Brgy. Uwisan, Calamba City; at dakong alas-7:30 ng gabi noong Martes nang mapatay si Ronald Bestre sa anti-drug operation sa Brgy. Turbina , Calamba City.

Nabatid na si Bestre bukod sa pagiging notor­yus na tulak ng droga ay umano’y miyembro rin ng Fajardo kidnap for ransom gang.

Sa Nueva Ecija,patay din ang dalawang drug suspects na sina Edgardo Veneracion,nasa hustong gulang ng Villaluz Subdivision, Barangay Mabini Homesite; at isang alyas Erwin.

Sa ulat,bandang alas-11:00 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang pulisya sa Saint Joseph St., Barangay Zulueta, Cabanatuan City.

Hindi pa natatapos ang transaksyon ay bigla umanong bumunot ng baril ang dalawang suspek at pinagbabaril ang pulisya na nagawa namang makaiwas at nakaganti ng putok na nagresulta ng kamatayan ng mga una.

ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with