^

Police Metro

2 kidnaper dedo sa shootout

Joy Cantos - Pang-masa
2 kidnaper dedo sa shootout
Bago naganap ang shootout ay nakipagnegosasyon ang mga suspek sa pamilya ng biktima para humingi ng ransom kapalit ng kalayaan nito.
File

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki na pinaghihinalaang notoryus na kidnaper ang napatay nang makipagbarilan sa mga elemento ng pulisya sa entrapment operation sa Talisay, Batangas kahapon ng madaling araw.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na suspek na kumidnap sa biktimang si Riz-John Biscocho noong Nobyembre 9 ng taong ito sa Brgy. Berinayan, Laurel, Batangas.

Bago naganap ang shootout ay nakipagnegosasyon ang mga suspek sa pamilya ng biktima para humingi ng ransom kapalit ng kalayaan nito.

Nakipagkoordinasyon ang pamilya ng biktima sa pulisya at isinagawa ang entrapment operation bandang alas-2:40 ng madaling araw.

Sinamahan ng isang pulis ang misis ng biktima na si Rodalyn para ideliber ang ransom sa Brgy Berinayan, Laurel na napagkasunduang lugar ng payoff.

Dumating naman ang mga suspek na lulan ng motorsiklo sa Brgy. Berinayan, subalit nakatunog na pulis ang kasama ni Rodalyn kaya agad nagpaputok ng baril sa direksyon ng mga ito.

Agad namang prinoteksyunan ng mga pulis ang ginang habang mabilis na nagsitakas ang mga suspek at naharang ng pulisya sa Brgy. Sampaloc,Talisay at nagkaroon ng palitan ng putok na ikinasawi ng dalawang suspek.

Patuloy ang search and rescue operations ng mga otoridad dahil hawak pa rin ng kasamahan ng mga napatay na suspek ang biktima.

vuukle comment

KIDNAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with