_pang-masa
^

Police Metro

4 drug pusher nanlaban, patay

Mer Layson, Joy Cantos - Pang-masa
4 drug pusher nanlaban, patay
Sa ulat, dakong alas-9:15 ng umaga nang magkasa ng drug buy bust ­operation ang pulis sa bahay ng mga suspek sa Sitio Arboretum dahil sa natanggap nilang impormasyon sa illegal drug activities ng mga ito.
AP/Aaron Favila, File

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang apat na drug pusher nang manlaban umano ang mga ito sa magkahiwalay na anti-illegal drug operation kahapon ng umaga sa Brgy. UP Campus, Quezon City at Brgy. Marketview, Lucena City, lalawigan ng Quezon.

Sa Brgy. UP Campus, Quezon City, napatay ang mga suspek na kinilalang sina Robinry Magtarayo, alyas ‘Suka,’ at Jeffrey Rodriguez, alyas Jeff, habang ang naarestong si Bernard Maravilla, 38.

Sa ulat, dakong alas-9:15 ng umaga nang magkasa ng drug buy bust ­operation ang pulis sa bahay ng mga suspek sa Sitio Arboretum dahil sa natanggap nilang impormasyon sa illegal drug activities ng mga ito.

Nang magtungo ang poseur buyer sa barung-barong ng mga suspek ay bigla na lang umanong nakarinig ng mga putok ng baril ang mga otoridad at nagtakbuhan palabas sina Rodriguez at Maravilla na kung saan nanlaban ang una at napatay ang una habang ang huli ay sumuko.

Sa loob ng barung-ba­rong ay natagpuang patay na si Magtarayo, na nakuhanan ng isang kalibre .38 revolver sa kanyang beywang at dalawang sumpak at mga pakete ng shabu at drug paraphernalias.

Napatay rin nang kumasa sa mga pulis sina Christoper Supremo, 45 at Hilario Torres, nasa hustong gulang nang mauwi sa shootout ang buy bust operation sa Purok Greenhills, Phase 1, Brgy. Marketview, Lucena City, Quezon kahapon ng alas-7:30 ng umaga.

Matagal nang minamanmanan ng mga otoridad ang mga suspek na kapwa nasa drug watchlist ng pulisya kaugnay ng talamak na pagtutulak ng mga ito ng droga.

ILLEGAL DRUG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with