^

Police Metro

Trader itinumba sa Navotas

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 36-anyos na negos­yante nang pagbabarilin ng isang di pa natutukoy na gunman habang naglalakad sa Brgy. North Bay Boulevard North, sa lungsod na Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

Sanhi ng tinamong tama ng punglo sa leeg at kaliwang braso, nasawi noon din ang biktima na si Rannie Barrot, may asawa, may negosyang buy and sell, at residente ng #122 Fernando St. Brgy. Tangos ng naturang siyudad.

Sa ulat ng Navotas City Police, dakong alas-7:30 nang maganap ang pamamaslang sa biktima sa naturang lugar.

Naglalakad umano si Barrot at ‘di nakilalang kasama nito nang biglang sumulpot ang gunman at walang sabi-sabing pinaputukan ito nang sunud-sunod.

Nakatakbo pa umano ng ilang metro ang biktima hanggang sa tuluyang duguang bumulagta sa kalsada habang mabilis namang nakatakas ang suspek sa ‘di malamang direksyon.

Nabatid naman mula sa asawa ni Barrot na hindi na pinangalanan, na dati raw umanong may ka-relasyong iba ang mister na sangkot sa droga, na isa sa tinitignang anggulo ng pulisya sa motibo ng krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa naturang kaso.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with