2 tulak dedo sa buy bust
Ludy Bermudo, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - September 22, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang drug pusher ang nasawi sa magkahiwalay na drug buy bust operation sa Tondo, Maynila at Davao City.

 

Sa Maynila, kinilala ang nasawi na si Kenneth Taysun, 33, ng Sto. Tomas St. , Sampaloc, Maynila.

Dakong alas-11:18 ng gabi ay nagawang makabili ang poseur buyer na si PO2 Rommel Pantig ng P300 shabu sa suspek na nakahalata na may papalapit na mga pulis ay agad na pinaputukan  si PO2 Pantig na nakaiwas sa putok.

Hinabol ang suspek ng isa pang pulis at pinaputukan ito at tinamaan sa  dibdib na agad nitong ikinasawi.

Narekober sa suspek ang isang kalibre 38 baril na may 4 na bala at 15 sachets ng shabu.

Sa Mango Avenue, Barangay Daliao, Toril, Davao City ay napatay ang drug suspek na si Larry Jagonos, 38, ng Barangay 76-A, nang ito ay manlaban matapos na ito ay aarestuhin sa isang buy bust operation dakong alas-11:15 ng gabi.

BUY BUST DRUGS OPERATION ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with