^

Police Metro

Bulacan drug bust: 4 utas

Boy Cruz - Pang-masa
Bulacan drug bust: 4 utas
Kasalukuyan pang inaalam ang tunay na mga pa­ngalan ng mga nasawing suspek na kinilala sa mga alyas na Erwin ng Brgy. Batia, Bocaue; Alyas Sonny Boy ng Brgy. Malhacan, Meycauayan City; Alyas Bino ng Brgy. Maronquillo, San Rafael; at Alyas Jessie ng Brgy. Poblacion, Pulilan.
File

MANILA, Philippines — Patay ang apat na lalaki na umano ay kilabot na drug pusher nang manlaban ang mga ito sa magkakahiwalay na anti-drug operation sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Bulacan, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyan pang inaalam ang tunay na mga pa­ngalan ng mga nasawing suspek na kinilala sa mga alyas na Erwin ng Brgy. Batia, Bocaue; Alyas Sonny Boy ng Brgy. Malhacan, Meycauayan City; Alyas Bino ng Brgy. Maronquillo, San Rafael; at Alyas Jessie ng Brgy. Poblacion, Pulilan.

Ang mga napatay ay nanlaban nang mahalata na ang kanilang mga ka-deal ay mga pulis.

Narekober sa apat na operasyon ang tatlong .38 rebolber, isang .45 kalibre mga iba’t ibang bala, 21 pakete ng shabu, sari-saring mga drug paraphernalias, P2,000 pisong marked money, isang pampasaherong Kawasaki Bajaj (3832-RX) at isang motorsiklong skeletal type na Honda Wave at walang plaka.

vuukle comment

DRUG BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with