B-day murder: Ina tinodas ng anak
Batay sa natanggap na ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala lamang ang ginang sa pangalang “Elna B.”, isang Filipino migrant sa naturang bansa. Habang nadakip ang 25-anyos na anak na hindi muna pinangalanan.
File

B-day murder: Ina tinodas ng anak

Danilo Garcia (Pang-masa) - April 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa mismong ika-65 kaarawan namatay ang isang Pinay makaraang bugbugin ng sariling anak sa loob ng kanilang tinitirhang apartment sa Vienna, Austria nitong Abril 11.

Batay sa natanggap na ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala lamang ang ginang sa pangalang “Elna B.”, isang Filipino migrant sa naturang bansa. Habang nadakip ang 25-anyos na anak na hindi muna pinangalanan.

Sa salaysay ng suspek sa pulisya na unang niyang tinawagan ang kanyang ama na isang Nigerian na hiwalay ang tirahan at inamin na may masama siyang nagawa sa ina.

Sa pagresponde ng mga pulis sa apartment ng mag-ina sa may Ferkorngasse, Vienna ay natuklasan ang bangkay ng ginang at napakagulo ng bahay.

Inamin ng suspek sa pulisya na siya mismo ang pumatay sa sariling ina dahil sa umano’y pini-pressure siya nito na hindi binigyang linaw.

Ayon sa mga kapitbahay na narinig nila ang  mainitang pagtatalo ng mag-ina mga ingay ng mga gamit hanggang nagkaroon ng katahimikan.

Agad na nagbigay ng tulong ang Consular Office sa naturang bansa para sa biktima at handa ring magbigay ng libreng abogado para sa isasampang kaso.

DFA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with