3 motor inararo ng trak: 4 todas

Ang tumaob na 10 wheeler truck na unang nakasalpok sa tatlong motorsiklo na nakasalubong na ikinasawi ng apat na sakay nito kahapon ng umaga sa Brgy.Malasila, Makilala, North Cotabato.

3 motor inararo ng trak: 4 todas

Rhoderick Beñez at Joy Cantos (Pang-masa) - February 2, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang apat katao na sakay ng tatlong motorsiklo matapos na sila ay araruhin ng isang 10-whee­ler truck kahapon ng umaga sa Sitio Patulangon, Brgy. Malasila, Makilala, North Cotabato.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Edgar Hersi Pajal, 44, magsasaka, may-asawa, ng Purok San Isidro, Brgy. Sto. Niño; Juanito Quinco Duhilag, 37, may-asawa, ng Brgy. Sta. Fe; Viverlen Bama Aguanan, 16, ng Brgy. Luayon, at Stephen Camblon Paredes, 33, ng Sitio San Nicolas, Brgy.San Vicente, Makilala.

Batay sa ulat, bago nangyari ang trahedya pa­sado alas-10:00 ng umaga ay galing sa Davao City ang 10 wheeler truck na may mga kargang semento at papuntang Cotabato City nang ito ay mawalan umano ng preno pagda­ting sa lugar.

Dito ay unang nasalpok ng trak ang da­lawang motorsiklo na kasalubong at pagkahulog sa kabilang bahagi ng kalsada ay nasalpok ang isa pang motorsiklo na kung saan nasawi noon din ang rider at kanilang backrider.Tumakas ang driver ng trak.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with