May-ari ng tindahan ninakawan, pinatay
Danilo Garcia (Pang-masa) - June 19, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang 41-anyos na may-ari ng tindahan nang saksakin siya ng nag-iisang suspek na naaktuhan nitong ninanakaw ang kanyang benta at cell phone kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Ang nasawi ay kinilalang si Johan Ed Oliva, may-asawa, at residente ng No. 1 Malanting cor. Calantas Sts., Brgy. 178, Amparo Subdivision.

Naaresto sa isang follow-up operation ang suspek na si Raffy Embino, 20-anyos, residente ng Bigasa St., ng naturang barangay.

Batay sa ulat ng Caloocan City Police-North Extension Office, bago nangyari ang krimen dakong ala-1:05 ng hapon sa sari-sari store na nasa harap ng bahay ni Oliva ay sinamantala ng suspek na pasukin ang tindahan at kunin ang cellular phone at pera na kita ng tindahan.

Habang nililimas ang laman ng kaha bumalik si Oliva at naaktuhan ang nagaganap na pagnanakaw at dito ay agad siyang inatake ng saksak sa katawan saka nagtangkang tumakas tangay ang cell phone at nasa P5,000 pera.

Nasaksihan naman ng isang kapitbahay ang insidente na siyang humingi ng saklolo para maisugod sa Commonwealth Hospital ang biktima.  Hindi na rin umabot nang buhay ang biktima nang dumating sa pagamutan.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Police Community Precinct 4 katuwang ang mga barangay tanod at nasakote si Embino dakong ala-1:30 ng hapon sa may Tibig Street, ilang bloke ang layo sa kanyang bahay.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with