4 patay sa pamamaril

Ludy Bermudo, Danilo Garcia, Rhode­rick Beñez (Pang-masa) - April 8, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Apat ang naiulat na nasawi sa pamamaril sa magkakahiwalay na lugar sa Caloocan City, Maynila at Midsayap, North Cotabato.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Celso Soriano, 58, nang ito ay barilin sa tapat ng kanilang bahay sa Congressional Model, Phase 2 Brgy. 171, Bagumbong, Caloocan City dakong alas-8:30 ng umaga ng dalawang salarin na agad tumakas sakay ng motorsiklo.

Patay din ang biktimang si Jomar Manalo, 38 ng Maharlika Village, Taguig City matapos na ito ay barilin sa noo nang bumisita sa kanyang kapatid sa Gasangan, Baseco Compound, Port Area, Maynila, kahapon ng alas-11:30 ng umaga.

Ang biktima ay hindi umano kilala ng ibang residente dahil may isang buwan pa lamang itong nakikibakasyon sa bahay ng kapatid sa Block 11, Gasangan, Baseco Compound. Posibleng pinaghinalaang police asset ang biktima kaya ito ay pinatay.

Patay din ang magsasakang si Armando Hernandez, 54 ng Brgy. Patindeguen, Midsayap, North Cotabato nang barilin ng dalawang la­laking nakamotorsiklo matapos dumalaw sa kanyang anak sa Brgy. Poblacion 5, pasado alas-10:00 ng umaga.   
Ang ikalawang nasawi ay kinilalang si Marvin Mauricio Fronda, 39, may-asawa at residente ng Brgy. Poblacion Uno nang barilin ito ng nag-iisang suspek habang nakatayo sa isang lodging house malapit sa kanyang bahay.

CELSO SORIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with