2 Coed, patay sa road mishap
Rhoderick ­Beñez (Pang-masa) - January 22, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang estudyanteng babae matapos maaksidente ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Sitio Malabuaya, Brgy. Kayaga, Kabacan, North Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na sina Nasrula Pamansag, 17-anyos at Mansur Ismael, 16-anyos kapwa residente ng Brgy. Balungis, Pikit, North Cotabato.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente kahapon alas -12:25 ng tanghali kung saan tinatahak ni Rodolfo Alcordo Lago, 68-anyos, retired AFP at residente ng bayan ng Pikit lulan ng isang Nissan Sentra (TEM 116) ang kahabaan ng national highway buhat sa Poblacion, Kabacan papunta sa bayan ng Pikit ng mabangga ng dalawang motorsiklo na sakay ang dalawang mga nasawi. Dead-on-the-spot si Pamansag habang naisugod pa sa bahay pagamutan si Ismael pero di na umabot pa ng buhay.

NASRULA PAMANSAG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with