Napulot na bomba sumabog, 2 bata dedo

Rhode­rick Beñez (Pang-masa) - December 7, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nasawi ang dalawang bata makaraang sumabog ang isang improvised explosive device (IED) na  kanilang napulot kahapon malapit sa munisipyo ng Albarka, Basilan, kahapon.

Base sa ulat ng 104th Brigade ng Philippine Army, kinilala ang mga nasawing sina Hamodi Anali, 10, at Alkodri Anali, 8. Habang nasugatan sina Asalmodzri Anali, 15, at kapatid nitong si Albadal, 5.

Batay sa ulat, nagla­laro ang mga biktima nang makakita sila ng bomba ng kanilang pinulot at makalipas lamang ang ilang saglit ay bigla itong sumabog.

Halos nagutay ang katawan ng dalawang nasawi at grabeng pagkasugat ng dalawang iba.

Paniwala ng militar, kagagawan ng tero­ristang Abu Sayyaf ang pag-iwan ng bomba sa lugar na target umano ang mga nagpapatrul­yang sundalo.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with