_pang-masa
^

Police Metro

Mag-utol na paslit tinangay ng baha

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay ang isang 7-anyos na batang paslit habang ang kapatid nitong 2-anyos ay nasugatan matapos na sila ay tangayin nang rumaragasang baha bunsod ng napakalakas na pag-ulan sa San Mateo, Rizal kamakalawa.

Kinilala ang nasawing si Cedric Ortega, 7, at nasugatan ang kapatid nitong si Nicolo Ortega, 2, kapwa residente ng Barangay Gulod, San Mateo, Rizal.

Ayon sa San Mateo PNP,  ang bangkay ni Cedric ay natagpuan sa isang drainage dakong alas-10:00 ng gabi habang si Nicolo naman ay natagpuang nakabitin sa isang punong malapit sa kanilang bahay.

Ayon kay Stephen Flores ng MDRRMO, iniwan umano ng ina ang dalawang anak sa loob ng kanilang bahay dakong alas-3:20 ng hapon habang bumubuhos ang napakalakas na ulan.

Gayunman, lumabas umano ang mga bata upang maglaro hanggang sa abutan sila ng mataas na baha sa kalsada dahil sa walang tigil na pag-ulan.

RIZAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with