Pintor tinodas ng pulis
Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - June 8, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 21-anyos na binata nang barilin ng isang pulis kahapon ng mada­ling araw sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Emiliano Balmes, house painter, ng A-1 Dupax St., Brgy. Bagbag, Novaliches sa lungsod.

Tumakas naman ang suspek na nakilalang si PO2 Julius Albao,nakatalaga sa Talipapa Police Station 3.

Sa imbestigasyon, dakong alas-12:05 ng mada­ling araw ay nakatanggap ng ulat ang QCPD station 4 tungkol sa insidente ng pamamaril sa harap ng isang pawnshop na matatagpuan sa may kahabaan ng Quirino Highway, Brgy. Bagbag, Novaliches.

Nang rumesponde ang mga pulis sa pangunguna ni SPO4 Rodel Deogracias ay  naabutan nila ang nakahandusay na biktima at isang lalaki na  nakatayo at may hawak ng baril na si PO2 Julius Albao at inaresto.

Ilang sandali, isang SPO2 Ganias na nagpakilalang taga QCPD Station 3 at nagpakita pa ng ID kasama ang isa pang lalaki ang dumating at nakiusap kay SPO2 Deogracias na kausapin si PO2 Albao.

Matapos ang maikling usapan sa pagitan ni  SPO2 Ganias at PO2 Albao ay tumakas na ang huli.

ENCANTADIA 2016 GRACE POE JINGGOY ESTRADA MISS USA 2016
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with