^

Police Metro

3 sisters ni-rape ng tiyuhin

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga pulis ang isang 57-anyos na lalaki na gumahasa sa 13-anyos na pamangkin at dalawa pang nakababatang kapatid nito kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang suspek na nakakulong ngayon ay kinilalang si Rogelio Dandan, ng Barangay Longos, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Malabon City Police- Wo­men’s and Children Protection Desk, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang gapangin at halayin umano ng suspek ang 13-anyos na pamangkin na itinago sa pangalang “Jane” sa loob ng kanilang bahay.  

Habang ginagahasa, katabi pa umano sa higaan ang dalawa pang kapatid ng biktima na may edad na 11-anyos at 8-taong gulang na natuklasan na ginahasa rin umano ng suspek sa ibang pagkakataon noon pang 2015.

Tinatakot umano ng suspek ang mga bata na papatayin kasama na ang ina kaya hindi nagawang makapagsumbong.

Nagkalakas-loob naman ang panganay na biktima na magsumbong sa ina na dali-daling humingi ng saklolo sa kanilang barangay na siyang nagdala sa kanila sa istasyon ng pulisya at isinagawa ang pag-aresto sa suspek.

2016 CANNES INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

69TH CANNES INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

ENTERTAINMENT

JACKLYN JOSE

MA ROSA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with