Helper pinatay habang natutulog
Ludy Bermudo (Pang-masa) - February 5, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Tuluyan nang hindi nagising sa mahimbing na pagkatulog ang isang 43-anyos na helper ng isang junkshop matapos na siya ay saksakin ng hindi pa kilalang suspek kahapon sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Elmo Orquin, binata, helper ng Hunter’s Junkshop na matatagpuan sa no. 2941 Pilar St., Tondo, Maynila at tubong Samar.

Sa ulat, dakong alas 6:00 ng umaga nang makitang duguan at hindi na gumagalaw ang biktima, habang nakaupo sa kanang bahagi ng passenger’s seat ng owner type jeep.

Bago matagpuang patay ang biktima ay nagpunta ito sa isang inuman sa Maypajo, Caloocan City kasama ang mga katrabaho at alas 7:30 ng gabi nang ihatid papasakay ng tricycle para bumalik sa junkshop.

Pinaniniwalaang sinamantala ng suspek ang kalasingan ng biktima na natulog sa nakaparadang sasakyan sa tapat ng junkshop.

ANG BIKTIMA CALOOCAN CITY ELMO ORQUIN JUNKSHOP MAYNILA MAYPAJO PILAR ST. PINANINIWALAANG SAMAR TULUYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with