Plastic barrier sa EDSA, inararo ng bus
Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - February 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nakatakdang ipatawag ng Land Transportaion Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang driver na si Ruel Labin at operator ng Joanna Jesh bus na nag-viral sa social media matapos araruhin ang mga plastic barriers sa EDSA southbound bago sumapit sa Ayala.

Sinabi ni Atty.Winston Gines, chairman ng LTFRB, magpapalabas sila ng isang show cause order para paharapin ang driver at operator ng bus na dapat nilang sagutin sa loob ng 5 araw simula ng matanggap nila ito kung bakit hindi sila dapat na suspendihin o ikansela dahil sa insidente.

Base sa video mula sa isang Ian Santos, na ipinost sa Facebook page ng Top Gear, makikitang sinagasaan ng bus ang mga barriers dahilan para magtalsikan ang mga ito at humarang sa lansangan.

Sa video ay nakitang nag-uunahan ang dalawang bus kabilang ang Joanna Jesh sa bus lane hanggang sa makikitang binangga ng huli ang mga nakahilerang plastic barriers at hindi man lang huminto.

ANG AYALA FACEBOOK IAN SANTOS JOANNA JESH LAND TRANSPORTAION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD NAKATAKDANG RUEL LABIN SINABI TOP GEAR WINSTON GINES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with