_pang-masa
^

Dalaga namatay sa motel

Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 29, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Hindi pa man nagsisimula ang pagniniig ng magkasintahan sa loob ng isang motel ay agad nawalan ng malay ang babae naganap kamakalawa ng gabi sa Sta. Mesa, Maynila.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay itinago sa pangalang Maria, dalaga, kawani at residente ng Nickel St., San Andres Bukid, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, bago natumba at nawalan ng malay tao ang biktima dakong alas-8:00 ng gabi sa inupahang kuwarto sa Rose Garden Motel na matatagpuan sa nasabing lugar ay nag-check-in sila ng kanyang nobyo na si Eugenio, 37, empleyado ng isang ahensiya ng gobyerno. Ang dalawa ay walong taon ng magkasintahan.

Nabatid na kumain muna at naligo ng sabay ang dalawa at nang nakahiga na para sa kanilang pagtatalik ay biglang nahilo at bumagsak ang biktima at bumula pa ang bibig.

Humingi ng saklolo ang nobyo sa nakatalagang security guard at nadala ito sa pagamutan, subalit namatay din ito.

ANG BIKTIMA DALAWA EUGENIO GABI HUMINGI MAYNILA NABATID NICKEL ST. ROSE GARDEN MOTEL SAN ANDRES BUKID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with