Kandidatong konsehal, inutas
Joy Cantos (Pang-masa) - January 28, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isang kandidatong konsehal ng bayan ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Upper Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Nasawi noon din dahil sa mga tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang  biktimang si Arnel Dela Cruz, 47, Brgy. Chairman sa Brgy.Upper Tungawan at kandidatong konsehal sa halalan sa Mayo.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril dakong alas-6:15 ng gabi sa  Purok 4, Brgy. Upper Tungawan ay lulan ng motorsiklo ang biktima nang sundan at pagbabarilin ng tatlong salarin na magkakaangkas sa isang motorsiklo.

Ang mga suspek ay mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Zamboanga City.

Sa kasalukuyan ay pulitika at personal na alitan ang iniimbestigahang motibo sa pamamaslang.

ANG ARNEL DELA CRUZ BATAY BRGY ISANG NASAWI PUROK TUNGAWAN UPPER TUNGAWAN ZAMBOANGA CITY ZAMBOANGA SIBUGAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with