SUV bumaliktad: 3 todas
Cristina Timbang, Joy Cantos (Pang-masa) - January 25, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Tatlo katao ang nasawi  kabilang ang isang 3-anyos na batang lalaki  habang apat pa ang malubhang nasugatan matapos bumaliktad ang sinasakyan nilang sports utility vehicle at nasalpok pa ng isang van kamakalawa sa kahabaan ng Daang Hari Road, Brgy. Molino IV, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang mga nasawi na sina Choe Mc Enzie Abcede, 3; yaya nitong si Brenda Diolon, 22  at Francisco Mabuhay Anino Jr., 48, driver ng Hi Ace van, residente ng Blk 6, Lot 16 Phase 3. Mabuhay Homes, Dasmariñas City, Cavite.

Ang mga nasugatan ay ang mga magulang ng bata na nakilalang sina Mark Rebanal Abcede, 35, misis nitong si Rochelle, 33; at ang mag-asawang Nestor at Elizabeth Ortigosa.

Sa ulat, naitala ang sakuna bandang alas-3:00 ng hapon habang mabilis umanong bumabagtas ang kulay pulang Innova (AAY-62690) na sinasakyan ng mga Abcede at Diolon sa nasabing lugar nang aksidenteng bumaliktad ito nang sumabog ang kaliwang gulong.

Gumulong ito ng ilang beses na siya namang pagdating ng Hi-Ace van (RNX-929) na minamaneho ni Anino na nasa kabilang linya at nasalpok ito.

Nabatid na ang Innova na sinasakyan ng mga Abcede ay patungong Molino Boulevard habang ang van ay patungo naman sa direksyon ng Alabang nang maganap ang aksidente.

ABCEDE ANG BACOOR CITY BRENDA DIOLON CAVITE CHOE MC ENZIE ABCEDE DAANG HARI ROAD ELIZABETH ORTIGOSA FRANCISCO MABUHAY ANINO JR. HI ACE INNOVA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with