Lalaki inutas sa computer shop
Danilo Garcia (Pang-masa) - January 20, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines - Pinagbabaril sa loob ng isang computer shop ang isang 26-anyos na lalaki habang ito ay nag­lalaro ng Dota kamakalawa ng gabi sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Nakilala ang biktima na si Raymund Mina, 26, ng No. 41 Genesis Alley, Brgy. 143 Bagong Barrio.

Batay sa imbestigasyon, bago nangyari ang pamamaril sa biktima dakong alas-6:30 ng gabi sa loob ng  computer shop sa may Genesis Alley, Bagong Barrio ay nag­lalaro ito ng Dota nang pumasok ang suspek at  
walang kaabog-abog na pinagbabaril ng suspek sa ulo at katawan saka mabilis na tumakas.

Lumalabas sa pagsisiyasat na ang posibleng dahilan nang pagpatay sa biktima ay may kinalaman umano sa iligal na droga.

ACIRC BAGONG BARRIO BATAY BRGY CALOOCAN CITY DOTA GENESIS ALLEY LUMALABAS NAKILALA PINAGBABARIL RAYMUND MINA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with