^

Police Metro

11-anyos patay sa stray bullet

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naidagdag sa talaan ang 11-anyos na babae sa bilang ng mga namatay dahil sa ligaw na bala sa kasagsagan ng selebrasyon sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Las Piñas City.

Sa naantalang ulat ng Las Piñas City PNP, nakilala ang namatay na si Darlene Gutierez ng St. Vincent Ville, Mapayapa Village sa nasabing lungsod.

Sa salaysay ng ama ng biktima na si Roldan, umakyat ang kanyang anak sa ikatlong palapag ng bahay ng kapitbahay nitong bisperas ng Bagong Taon upang mapanood ang mga fireworks sa kanilang lugar.

Nagulat na lamang siya nang may magsumbong na may nangyari sa anak.

Nang kanyang puntahan, nakita niya ang anak na buhat-buhat ng kapitbahay at wala nang malay habang duguan.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang bata subalit hindi na naisalba ang buhay nito dahil sa tama ng bala sa sentido.

Humihingi naman ng katarungan ang pamilya Gutierrez habang nakiusap sa Las Piñas PNP na aksyunan agad para masakote ang nasa likod ng krimen.

vuukle comment

ANG

ATILDE

BAGONG TAON

DARLENE GUTIEREZ

HUMIHINGI

LAS PI

MAPAYAPA VILLAGE

NAGULAT

NAIDAGDAG

NANG

ST. VINCENT VILLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with