_pang-masa
^

Ginang pinag-almusal ng bala

Joy Cantos (Pang-masa) - November 30, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Isang 56-anyos na ginang na nagluluto ng agahan para sa kanyang pamilya ang binaril sa loob ng kanilang kubo sa Brgy. Palma, Basista, Pangasinan kamakalawa.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital ay kinilalang si Generosa delos Santos.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa biktima dakong alas-9:00 ng umaga sa kanyang kubo sa Velasquez Street, Brgy. Palma, Basista ng lalawigan ay abala ito sa pagluluto nang biglang sumulpot ang gunman na lulan ng motorsiklo at walang kaabog-abog na binaril ito.

Nagawa pang makatakbo ng ginang, pero hinabol ito ng suspek at muling pinagbabaril upang tiyakin ang kamatayan nito bago tumakas.

 

ANG BAGO BASISTA BATAY BRGY GENEROSA ISANG ITO NAGAWA PANGASINAN VELASQUEZ STREET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with