^

Police Metro

Intsik tiklo sa P13 milyon shabu

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang Chinese national ang nadakip matapos itong mahulihan ng 15  kilong high grade shabu, na nagkakahalaga ng P13 milyon sa isang buy bust operation  kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Zhou Jianguo, 34, taga Fujian, China, pansamantalang nakatira sa #175 Ronquillo St., Sta. Cruz, Maynila.

Batay sa ulat,  bago naaresto ang suspek alas-6:15 ng gabi sa service road ng panulukan ng Buendia Avenue at Roxas Boulevard ay sakay  ang suspek ng isang Hyundai Tucson (NIC-513) at naglunsad ng buy bust operation ang otoridad at isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer gamit ang marked mo­ney na nagkakahalaga ng P800,000.00.

Nang mag-aabutan na nang items ay dito na ina­resto ang suspek na nakumpiskahan ng 15 kilong high grade shabu na ang halaga ay nasa P13 milyon.

ACIRC

ANG

BATAY

BUENDIA AVENUE

CRUZ

HYUNDAI TUCSON

ISANG CHINESE

PASAY CITY

RONQUILLO ST.

ROXAS BOULEVARD

ZHOU JIANGUO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with