4 drug pusher utas sa drug raid
4 drug pusher utas sa drug raid
Joy Cantos (Pang-masa) - August 29, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Napatay ng mga otoridad ang apat na pinaghihinalaang notoryus na mga big time drug pusher nang makipagbarilan ang mga ito sa isinagawang malawakang anti-narco­tics operation sa Tagum City, Asuncion at Sto. Tomas, Davao del Norte  kahapon.

Kasalukuyan pang ina­alam ang pagkaka­kilanlan ng apat na suspek na namatay noon din habang iniimbentaryo ang mga nasamsam na bulto ng shabu.

Sa ulat ni Sr. Supt. Samuel Gadingan, Director ng Davao del Norte Police Office (PPO), na ang mga suspek ay mga pinaghihinalaang notoryus na tulak ng droga  sa naturang mga lugar na tinutugaygayan ng pulisya matapos na makatanggap ng report hinggil sa talamak ng mga itong pagbebenta ng shabu.

Nang salakayin ang mga kuta nito ay hindi sumuko ang mga suspek sa mga otoridad at sa halip ay nagpaputok ng baril na nauwi sa shootout.

Nabatid na bandang alas- 5:00 ng umaga nang sunud-sunod na salakayin ng Criminal Investigation and Detection Group, Davao del Norte Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Brgys. Magdum, Magugpo West, Mankilam at San Miguel pawang sa Tagum City.

Dalawa sa mga suspek ay napatay sa raid sa Tagum City habang ang dalawa ay sa bayan ng Sto. Tomas at Asuncion.

Marami ang mga naaresto matapos na mahuli sa bisinidad ng operasyon na patuloy na iniimbestigahan kung may kinalaman sa pagtutulak ng droga.

Ang drug raid ay isang follow-up operations matapos ang pagkakasamsam ng aabot sa P 6 M halaga ng shabu sa Magugpo West, Tagum City may ilang linggo na ang nakalilipas.

ACIRC ANG ASUNCION CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP DAVAO DRUG ENFORCEMENT AGENCY MAGUGPO WEST MGA NORTE POLICE NORTE POLICE OFFICE TAGUM CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with