Holdaper todas, 2 arestado sa shootout
Joy Cantos (Pang-masa) - July 31, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Isang pinaghihinalaang notoryus na holdaper ang nasawi habang dalawa nitong kasama ang nasakote nang magkaroon ng shootout sa pagitan ng militar kamakalawa ng hapon sa Gabaldon, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Lt. Col. Eugenio Julio Osias IV, Commanding Officer ng Army’s 48th Infantry Batallion, dakong alas-4:50 ng hapon nang mapansin ng kaniyang mga tauhan sa pamumuno ni Lt. Arthur Barba ang holdapan  sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Ligaya sa bayang ito at ilang sandali ay tumatakas ang mga suspek sakay ng KIA  van.

Hinabol ng Army’s 48th IB troopers na sakay ng KM 450 military truck ang nasa anim na holdaper na pawang armado na pinaputukan ang mga sundalo  kaya’t gumanti ng putok na nauwi sa shootout.

Sa palitan ng putok ay nasawi ang isang suspek habang nasugatn ang tatlong kasama nito.

Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang dalawang cal. 45 pistol, isang cal. 38 revolver, PNP identification card, military ID at hindi pa madeterminang halaga ng pera. Tinutugis naman ang nakatakas na mga kasama.

ANG ARTHUR BARBA BRGY COMMANDING OFFICER EUGENIO JULIO OSIAS GABALDON HINABOL INFANTRY BATALLION ISANG LIGAYA NUEVA ECIJA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with