Tserman na tatakbong mayor binaril sa ulo
Francis Elevado (Pang-masa) - March 22, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kalagayan ang isang 65-anyos na barangay chairman matapos na barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek habang pauwi ng bahay sa Zone 3, Brgy. Tambo, Pamplona, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na inoobserbahan sa intesive care unit ng Mother Seton Hospital ay kinilalang si Domingo “Inggo” Briones, may-asawa, chairman ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, dakong alas-11:20 ng gabi ay pauwi na ang biktima mula sa pagdalo sa piyesta ng kanilang barangay nang ito ay lapitan ng hindi pa kilalang suspek at binaril sa ulo.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na ang biktima ay nagbabalak na tumakbong mayor ng kanilang bayan sa 2016 elections na siyang tinitingnan na anggulo.

BARANGAY BATAY BRGY BRIONES CAMARINES SUR DOMINGO INGGO LUMALABAS MOTHER SETON HOSPITAL PAMPLONA
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with