^

Pusher utas sa shootout

Danilo Garcia (Pang-masa) - March 20, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Napatay ang isang drug pusher nang makipagbarilan umano ito sa umaarestong pulis sa kamakalawa sa Caloocan City.

Ang nasawing suspek ay may alyas na “Den-Den at JP Negro” na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon ay nagsagawa ng anti-drug operation ang mga tauhan ng Caloocan Police-North Extension Office sa may Phase 8B Balwarte Package 5 Lot 57, Brgy. Bagong Silang na ang target ay arestuhin ang mga kilalang personalidad na sangkot sa pagpapakalat ng shabu sa  lugar na si Ric Badion.

Habang papalapit ang mga pulis sa bahay ni Badion ay pinaputukan sila ng suspek na sa kabutihang palad ay walang tinamaan.

Patuloy ang pagpapaputok ng suspek kaya gumanti ang mga pulis na nagresulta sa pagkasawi nito.

Nasamsam sa posesyon ng suspek ang isang ka­libre .38 na rebolber na baril, isang kulay rosas na pitaka na naglalaman ng tatlong pakete ng hinihinalang shabu at P200.

Bagama’t hindi nadakip ang pakay na si Badion ay patuloy ang gagawing operasyon sa lugar ng mga pulis.

 

BADION BAGAMA BAGONG SILANG BALWARTE PACKAGE BATAY BRGY CALOOCAN CITY CALOOCAN POLICE-NORTH EXTENSION OFFICE RIC BADION
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with