^

Police Metro

’Spiderman’ todas sa saksak

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay sa saksak ng isang truck driver ang isang 45-anyos na lalaki na tinaguriang ‘spiderman’ o ‘jumper’ matapos na mahuli na inakyat nito ang minamanehong truck ng una para pagnakawan kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Quirino Avenue at Osmeña Highway, Paco, Maynila.

Ang  biktima ay kinilalang si Manuel Yabut, residente ng Mataas na Lupa, Paco, Maynila.

Nadakip naman ang suspek na si Vincent Roxas, 33, driver at  residente  ng Trece Martirez, Cavite  nang sundan ito ng mga otoridad sa garahe nito malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-10:30 ng gabi ay sinamantala ng biktima na akyatin ang truck ng suspek habang ito ay nakahinto.

Sinaway at inutusang bumaba ng suspek ang biktima, subalit  muling umakyat at  nakita ang P3,000 cash na nakalagay sa dash board.

Napilitang paandarin ng driver ang truck kaya’t tu­malon ang biktima,subalit dumampot ng bato at ipinukol sa salamin ng truck.

Napikon ang suspek at bumaba upang komprontahin ang biktima na nauwi muna umano sa suntukan hanggang sa mahulog sa bulsa ng biktima ang isang patalim na naagaw ng suspek at ito ang ginamit na pansaksak sa huli.

BIKTIMA

CAVITE

LUPA

MANUEL YABUT

MAYNILA

QUIRINO AVENUE

TRECE MARTIREZ

VINCENT ROXAS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with