_pang-masa
^

Solon nagbitiw sa puwesto

Gemma Amargo-Garcia (Pang-masa) - March 12, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nagbitiw sa kanyang tungkulin bilang kinatawan ng Akbayan Partylist Rep. Walden Bello matapos itong madismaya sa umano’y ginagawang cover-up ni Pangulong Aquino sa Mamasapano incident.

Nabatid na nagpadala na si Bello, ng liham sa Akbayan partylist para sa kanyang intensyon na magbitiw sa kanyang posisyon sa Kamara.

Ayon kay Bello, hindi na niya maaring katawanin ang Akbayan sa Kamara dahil mabigat ang kanyang pagsalungat sa mga paninindigan nito lalo na sa suporta nito sa Pangulo.

Hindi na niya kayang suportahan ang pangulo dahil sa paghuhugas ng kamay sa responsiblidad sa Mamasapano mission na plinano at ipinatupad nito.

Binabawi na umano nito ang kanyang suporta sa pangulo dahil sa pag-cover-up nito sa sariling papel sa Mamasapano na ang asal ay kahiya-hiya.

Hindi naman ikinagulat ni House Speaker Feliciano Belmonte ang pagkalas ni Bello sa majority coalition na anya ay hindi kabawasan sa suporta dahil 92-93 porsiyento ng mga mambabatas sa Kamara ang bumubuo sa mayorya.

Nabatid na noong nakaraang taon pa umano nagpasabi si Bello na nais nitong magbitiw bilang kinatawan ng Akbayan partylist dahil sa salungat nitong pananaw sa mga polisiya ng administrasyong Aquino.

AKBAYAN AKBAYAN PARTYLIST REP AQUINO AYON HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE KAMARA MAMASAPANO NABATID PANGULONG AQUINO WALDEN BELLO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with