^

Police Metro

Driver nahulihan ng shabu

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa halip na matitikitan lang dahil sa  kasong illegal parking ay selda ang kinabagsakan ng isang driver nang makuhanan ng  isang sachet na shabu kahapon ng umaga sa Lambingan Bridge, Sta. Ana, Maynila.

Ang suspek ay kinilalang si Alvin Ryan Sungao, 32, ng San Matias, Guagua, Pampanga.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang masita ng  mga tauhan ng  RWM Towing Services  si Sungao dahil sa matagal nang  nakahinto sa Lambi­ngan Bridge ang  minamaneho nitong tanker na may plakang RMH 261.

Dahil walang maipakitang lisensiya dahil natiketan na ito sa batas trapiko ay kinuha na lang ni Sungao mula sa kanyang  bulsa ang  tiket na katibayan na una na siyang nahuli.

Nang kunin ang tiket ay lumitaw ang  isang sachet ng shabu na ikinagulat ng mga tauhan ng towing services kaya’t ipinalabas kay Sungao ang  mga nasa bulsa at lumitaw ang mga improvised toother, palara at mga stick.

Agad namang dinala sa MPD-Station 9 si Sungao upang  masampahan ng kaukulang kaso.

 

vuukle comment

ALVIN RYAN SUNGAO

BATAY

DAHIL

GUAGUA

LAMBINGAN BRIDGE

SAN MATIAS

SUNGAO

TOWING SERVICES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with