Duwelo sa paputok: 1 patay
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - January 3, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 29-anyos na lalaki nang tagain ito ng isang 26-anyos na lalaki nang magduwelo sila sa itak dahil lang sa paghagis ng paputok ng huli sa una sa kasagsagan sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Tago, Surigao Del Sur.

Ang nasawi ay kinilalang si Joemar Rubi, 29-anyos habang nasa kritikal na kondisyon ang nakaaway nitong si Leonie Cabrera, 26 anyos.

Batay sa ulat, naganap ang insidente sa Brgy. Purisima sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon na kung saan ay naglalakad si Rubi nang ito ay tamaan ng sinindihang paputok ni Cabrera.

Nagalit si Rubi hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo at naghamunan ng tagaan ang dalawa.

Nagtagaan ang dalawa na  kapwa nagtamo ng matitinding sugat sa katawan sa insidente na kung saan idineklarang dead on arrival si Rubi habang kritikal ang lagay ni Cabrera. - Joy Cantos-

BAGONG TAON BATAY BRGY CABRERA JOEMAR RUBI JOY CANTOS LEONIE CABRERA NAGALIT RUBI SURIGAO DEL SUR
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with